LALAKING 28 YEARS NAWAWALA; NATAGPUAN SA KAPITBAHAY.
Si Omar bin Omran ay nawalang bigla sa kanilang tahanan sa Djelma,Algeria noong 1990's. kasagsagan noon ng civil war sa North African country. Inakala ng pamilya at mga kaibigan ni Omar na sya ay patay na sa tagal ng panahon at itinigil na rin ng awtoridad ang paghahanap sa kanya. Larawan ni Omar noong 1990's bago sya nawala. ( Pep.ph ) Pero nitong MAY 12, 2024, nagulat ang pamilya ni Omar dahil sa post ng isa nilang kapitbahay sa social media, na si Omar ay buhay pa. Ayon sa nagpost, sangkot sya sa pagkidnap kay Omar at nasa bahay lang nila ito na halos 200 metro lang layo sa bahay nila Omar. Si Omar bin Omran nang masagip ng awtoridad noong May 12,2024 ( Pep.Ph ) Natagpuan si Omar sa isang tila hukay na may pinto at natatabunan ng tuyong dayami. Ayon sa awtoridad isa itong sheep pen sa loob ng bahay . Sa imbestigasyon ng mga aw...