Natanggal ka ba sa trabaho? May benefit ang SSS para sa'yo.

Ano ang SSS UNEMPLOYMENT benefit?

Ito ay cash benefit na binibigay sa lahat ng empleyado,kabilang ang kasambahay at mga OFW na sapilitang nawalan ng trabaho.

Kwalipikasyon:

1.Hindi lalagpas ng 60 taong gulang.
           •Kung underground o surface mineworker hindi lalagpas sa 50 taong gulang.
            •Kung racejockey hindi lalagpas sa 55 taong gulang.

2. Nakapagbayad ng di bababa sa 36 buwanang kontribusyon 12 sa mga ito ay dapat nasa loob ng 18 buwan.

3.Walang natanggap na unemployment benefit sa nakaraang 3 taon.

4.Nawalan ng trabaho dahil sa mga sumusunod;
        •Paggamit ng makinaryang nagpapadali sa trabaho.
          •Redundancy
          •Pagbabawas ng manggagawa
          •Pagsasara ng kompanya
          •Karamdaman, na ang pagtatrabaho ay pinagbabawal ng batas o makakaapekto sa kalusugan ng kasamahan sa trabaho
          •Pagbagsak ng ekonomiya
          •Likas o kagagawan ng tao na kalamidad o sakuna.

Mga kailangang dokumento
1.Identification card
          •Umid,sss card,drivers license,NBIclearance,
passport,postal identity,voters id.

2. Sertipikasyon mula sa dole o Polo
          •notice of termination galing sa employer, o
          •notarized affidavit of termination of employment

3. Bank/E-wallet account

Ang proseso ngayon neto ay sa online
Mag log in sa iyong sss online account at pumunta sa E-Services. Hintayin ang e-mail mula sa SSS at i-attach ang mga scanned na dokumento sa iyong reply.

Tandaan:

Kung sakaling magkaroon ng dalawang benepisyo sa parehong panahon, Ang mas mataas na halaga ng benepisyo ang babayaran ng SSS.

Ang unemployment benefit ay maaaring bayaran ng miyembro kung;

1.Nagkaroong ng overlapping
2.Pandaraya o katiwalian
3.Nakakuha muli ng trabaho sa loob ng compensate period.
Maging Honest☺️


Comments

Popular posts from this blog

Pag-IBIG Fund: Listahan ng mga branches na open pag sabado

SSS Disabilty : Mga dapat mong malaman

SSS VOLUNTARY MEMBER: Mga Dapat mong malaman