"WHITE LADY" Inaresto


Ilang mga motorista ang nagsuplong sa Baranggay ng Anonang Sur sa Bogo City, Cebu tungkol sa umano ay pananakot bilang "prank" ng mga kabataan sa mga dumadaang motorista dahil marami ang muntik na madisgrasya.

Napasugod ang mga Baranggay tanod sa nasabing lugar at naabutan ang mga kabataan na may nakasindi pang kandila sa gilid ng kalsada. Kasama ang nagpapanggap na white lady.

Naisipan umano nila ang gumawa ng horror prank matapos ang bali-balitang may nakitang "ungo-ungo" o multo doon sa lugar.

Ayon kay Jenelyn Tabaco, Punong Baranggay ng Anonang Sur "Gumagawa ng video ang kabataan para lang sa kanila, akala nila nakakatuwa sila pero di nila alam ang responsibilidad nila kung sakali na may maaksidente. Pinaalalahanan din sila na posible silang mabugbog o mabaril dahil sa kanilang ginagawa.

Ipinatawag ang mga magulang ng kabataan at pinag public apology.
Pinamulot rin sila ng basura bilang parusa. Umaasa naman ang Baranggay na walang gagaya sa ginawa ng mga kabataan.

Comments

Popular posts from this blog

Pag-IBIG Fund: Listahan ng mga branches na open pag sabado

SSS Disabilty : Mga dapat mong malaman

SSS VOLUNTARY MEMBER: Mga Dapat mong malaman