SSS Educational loan Program


SSS EDUCATIONAL ASSISTANCE ◇ (EDUC-ASSIST) LOAN PROGRAM

Ito ay para sa mga miyembro, asawa o anak ng miyembro, o kapatid ng miyembrong walang asawa, na nais mag-aral sa kolehiyo ng Degree o Vocational/Technical course.

Paano mag-qualify bilang member-borrower?

May basic monthly salary na di hihigit sa P25,000.00

May di bababa sa 36 posted monthly contributions, kung saan ang anim (6) ay na-post sa huling 12 buwan bago ang pag-file ng application

Up-to-date sa pagbabayad ng salary, housing at iba pang member loans, kung mayroon

Paano mag-apply?

1. I-download at i-print ang Educational Assistance Loan Program Application Form mula sa SSS Website. Punuan ang Part 1 ng Form.

2. Papunuan ang Part 3 ng Form sa Authorized Representative ng eskwelahan kung saan nag-enroll ang beneficiary.

3. Pumunta sa pinakamalapit na SSS branch at magdala ng valid ID cards, current school assessment a biling statement.

4. Kung unang aplikasyon pa lamang, magdala ng proof of relationship ng beneficiary sa member-borrower tulad ng

Birth Certificate, Marriage Contract, at proof of monthly salary/income ng member-borrower.

5. Kapag naaprubahan na ang loan, kunin sa parehong SSS branch ang check nang personal o sa pamamagitan ng authorized representative, at ito ay ibayad sa school ng beneficiary.



Magkano ang maaaring mautang?

➤ Para sa College Degree Courses-Maximum of P20,000 kada semester/trimester/quarter o net tuition/miscellaneous fees/assessment balance on cash basis, kung alin ang mas mababa.

➤ Para sa Vocational-Technical Course-Maximum of P10,000 kada semester/trimester/quarter o net tuition/miscellaneous fees/assessment balance on cash basis, kung alin ang mas mababa.

Ano ang iba pang mga kundisyon?

➤ Kailangan makapag-enroll muli sa loob ng 18 buwan kung semestral, 15 buwan kung trimestral, o 14 buwan at 15 araw naman kung quarterly program mula sa last Educ-Assist loan release.

➤ Kapag hindi nakapag-enroll muli sa takdang panahon, ang loan ay make-consolidate na at ang member-borrower ay papadalhan na ng bil para bayaran ito.

➤ Kailangang mag-reapply para sa Educ-Assist Loan Program hanggang matapos ang kurso o hanggang maubos ang allocation, kung alinman ang mauna.

Kailan at paano dapat bayaran ang Educ-Assist Loan?

➤ Dapat mabayaran ang utang hanggang limang (5) taon batay sa nakatakdang amortization para sa Degree Courses at hanggang tatlong (3) taon naman para sa Voc-Tech courses. Ang term ng pagbabayad ay nakadepende din sa preferred term ng miyembro, scheduled term base sa principal loan at adjusted term base sa edad ng miyembro bago ang amortization, alinman ang pinakamaikli sa mga ito.

Maaaring magbayad sa SSS branches na may tellering counters, at sa mga bank at non-bank collecting partners ng SSS.

Tandaan: Importante na mabayaran ang loan para mabigyan ng pagkakataon ang ibang member-borrowers na mapakinabangan din ang programa.

Comments

Popular posts from this blog

Pag-IBIG Fund: Listahan ng mga branches na open pag sabado

SSS Disabilty : Mga dapat mong malaman

SSS VOLUNTARY MEMBER: Mga Dapat mong malaman